Thursday sinabi sa kin ang aking magiging trabaho sa event at pinakiusapan lang ako ng HR... Hindi ako makatanggi kasi syempre humihingi din ako sa kanila ng favor. So bale no, kami pa pala ang gagawa ng programme, bakit hindi ang SBD ang gumawa eh event nila yon?! So ang programme, script at mechanics ng gagawing games ay kami ang gagawa... Hindi ko muna inisip yung mga yon kasi baka mastress ako. So, I let the day pass na hindi iniisip kung anong gagawin para sa event.
Friday, matapos kong gawin ang reports ko eh naghagilap na ko sa internet ng mga scripts ng MCs. Ang dami ko ng nakita pero wala namang akma sa event na ihohost namin. So, mejo kinakabog na ko at tinawagan ko na ang aking magiging co-host from HR. Pagtanong ko sa kanya kung may binigay na bang details ang SBD sumagot sya ng "wala pa". Parang ako "ANOOO?! This is their event, they should be the one in charge of this!" umiinit ang ulo ko... So mejo kumalma muna ako at hinayaang icontact ng aking co-host ang Asst. Manager sa SBD. Bale, nagbigay na sya ng mga names ng winners---yun pa lang. Kaya, after lunch, umakyat na kami sa SBD department at nagmeeting with the AM. Dun namin napagusapan ang mga magiging kaganapan sa Lunes. So, after ng aming mini meeting e nagtry ako gumawa ng script at sinend sa aking co-host. Inedit edit na lang ni co-host ang aming magiging script at yun na ang gagamitin namin sa Monday. Kaso... kulang pa pala yung list ng mga awardees so, hanging kami... Since it's a weekend, eh hindi ko muna inisip yung mga dapat pa naming gawin sa Monday... ayoko maspoil ang aking weekend no!Monday na... The big day. Nagka-cram na kami ng aking co-host kasi ilang oras na lang eh Awards Night na. Hindi pa pala final ang aming script dahil may mga nabago... Maryosep talaga! kinakabog na ko! Nagpray na lang talaga ko ng bonggang bongga kasi wala namang ibang makakatulong sakin... So bale no, naayos ang script, napractice na namin ang mga sasabihin namin pati ang facial expressions... So game na! Super kinakabog na naman ako so before kami umakyat sa entablado (naks) e nagpray muna ulit ako... Ayun na! So, yung kakabog kabog kong heart, surprisingly, eh kumalma. The night went on smoothly although mejo may mga sablay sablay on the side (di naman kami perfect), eh natuwa naman kahit papaano ang mga bossings (bale, ang mga andun lang naman eh yung 2 sr. mgrs ng Marketing, Treasurer, VP at mga iba pang matataas na tao ng Medicard. Wow!). Ang pinakamasarap pa don eh yung bigyan ka ng positive comments ng mga guests. Teehee!
Sa totoo lang, nag-enjoy ako sa paghohost pero hindi ko inamin sa co-host ko ito kasi baka ako na naman ang isama nya sa paghohost sa mga future events. Masaya, masaya... Tapos daming photo opp. Hehehe... Eto, nagpost ako ng ilan... Proud din ako sa make-up ko nyan kasi ako lang sa sarili ko nag-make up nyan :)
"and our last winner for the MPI Elite Circle goes to... Mr. Gorgonio Lopez III!" :-D







1. Illusion Lens - pwedeng i-attach sa digicam point & shoot o di kaya e sa cameraphone. Bale lens sya na nagke-create ng design sa finished photo. Murang mura lang to, PhP 200 at mabibili sa Hobbes & Landes or Powerbooks or Compex. Sinama ko rin to sa wish list ko sa office pero just in case hindi nakahanap yung monita ko sa office, eh nilagay ko sya dito baka meron akong friends na magmagandang loob at bilhan ako ng sampung ganito... hehehe :-D
2. Shutter Release Remote - remote control ng DSLR to na pwedeng pwedeng gamitin kung gusto mong kunan ang sarili mo using your SLR. Di ka na mahihirapang itapat ang lente sa mukha mo at magkakandapilipit pilipit ang mga kamay mo sa paghawak sa camera... Para na rin maiwasan ang camera shake na madalas mangyari lalo na pag nagna-night photography, how cool is that?! ;) Mabibili ito sa halagang PhP 1,200 sa Canon Shop Mall of Asia. (Pwedeng pwede na paghatian ng YA to... Hehehe)
3. Fat Lens camera - magandang travel camera ito kasi wide angle sya. Magandang ipang-shoot ng landscape. At ang pinakaDaBEST eh murang mura lang ang camera na ito...
4. 18-200 Canon lens - alam nyo kung bakit gusto ko nito. Hehe :-) Magagamit ko to sa aking photography chuchu... Kaso alam ko namang hanggang wish lang ito (wish ko lang jingle plays in the background) dahil mas mahal pa ang halaga nito sa SLR ko... PhP 38,000 at mabibili sa Canon Shop Mall of Asia :-D
5. 18-135 Canon lens - ang reason kung bat gusto ko nito e katulad din ng reason ko sa #4 :-) merong second hand nito sa sulit.com.ph at from PhP 18,000 eh PhP 9,500 na lang sya ;)
6. Canon 580 EX II external flash - kailangan ko to sa shooting on low light. Eto yung latest ng Canon na flash na mabilis lang magrecharge kaya sa parties, weddings or events na low light eh shoot lang ng shoot, di na kailangan maghintay pa ng ilang seconds. Di ko lang alam magkano pero meron din nito sa Canon Shop sa Mall of Asia ;)
7. Any book on Lighting or Night Photography na mabibili sa National Bookstore. Price ranges from PhP 1,200-3,000 ;-) (pwedeng pwede na rin paghatian ng YA at Marnix to hehe) at ang pinakahuli sa listahan ko ay ang...
8. 1 year subscription sa Digital Photographer Philippines. Para naman updated ako palagi ng mga tips and tricks and latest news about the world of Photography. Di ko lang alam how much yung subscription pero PhP 295.00 kasi ang isang mag, at pag nagsubscribe daw eh 30% off the newsstand price :)









