Monday, December 7, 2009

Emoterang Frog...

5:30PM... Out na ko sa trabaho. Nag-time out sa Kronos at naghintay sa elevator. Last break pala ng isa kong agent so kasabay ko sya pababa. Makulit itong agent na to, pero mabait... at dahil close kami, nakukuha nyang busga-busgahin at asar asarin ako. Never naman ako na-offend sa mga pang-aasar nya ng biglang "Ay single... single..." kala ko naman kumakanta sya ng song na di ko alam, nung tiningnan ko sya at tinanong kung anong sinasabi nya napabulalas na naman sya ng "single... single... walang sundo..." Di naman ako napipikon sa mga ganitong tuksuhan eh pero ewan ko ba nung time na to bigla kong nasabi sa kanya "loko ka ah, asarin mo na ko sa lahat wag lang yan" in fairness, pabiro ko naman tong sinabi sa kanya with playful suntok sa braso nya. After non nagtawanan pa kami paglabas ng elevator... Pero nung naghiwalay na kami at mag-isa na lang ako... Paglabas ko ng building bigla na lang akong nalungkot... Tama nga naman sya, wala akong sundo at doon bigla kong namiss ang may sumusundo sa kin... Namimiss ko na rin ang may sinasabihan ng "I Miss You" at "I Love You"... Pati na rin ang pagtetext para lang itanong ang mga sumusunod: "How's your day?", "Kumain ka na ba" o di kaya naman "House ka na ba? Tired?"... Namimiss ko na rin ang may nagtatanong sa kin ng whereabouts ko at kung nakauwi na ba ko o di kaya naman ang weekly visits sa bahay o kaya naman ang pamamasyal sa mall at kung san san... Syempre pa, lalo akong na-Emo ng madaanan ko ang Salcedo Park na punong puno ng Christmas Lights at lovers na nagjo-jogging o nagpapahinga sa mga benches at naghaharutan o nagkukwentuhan... Dagdagan pa ng malamig na simoy na dumadampi sa mga pisngi ko't braso. Napapa-"haaayyy" na lang ako eh habang nasa background ko ang mga nagsasayawang mga ilaw sa Ayala Triangle... Muntik na talaga tumulo ang luha ko non pero naisip ko "I'm sure there's someone out there for me... better than any guy na naging parte ng buhay ko" sabay kanta ng "I gotta feeling... That tonight's gonna be a good night" ...Ok na ulit ako :)

4 Thoughts:

- A n g e l - said...

You're right. He will find you. It's really a very small world. ; )

Jepoy said...

Aba mag ka kilala kayo ni Angel :-D

Wag ka na malungkot sunduin kita gusto mo LOL

Wait lang, napaka familiar ng Kronos na yan. Sa West ka ba ng wo-work? la lang hihihi

Ingats!

Anonymous said...

pag pasko talaga maaalala mo mga taong nakapagbigay sayo ng memories (sad, kinky or fun)...pero ano mas pipiliin mo? may bf pero so so lang ang pera...o maraming pera pero 0 ang lovelife?

Avee said...

@Human BS: ang hirap naman ng pinapapili mo... hehe