Okeii, better late than never... Nawalan kami ng internet for ilang days kaya naman ang mga dapat kong iblog e hindi ko naiblog agad... Anyhow...
So bakit sa lahat ng Christmas parties eh ito ang napili kong iblog? Kase, first time kong makapagChristmas Party sa very far Malabon... at first time kong makapunta sa Malabon. Grabe ganun pala ka-far yon... Super! Parang nagmistulang si Donkey ako ng Shrek habang nagbabyahe dahil walang patumangga akong nagtatanong ng "are we there yet?" sa bawat stop ng bus. Kaya nga ata ako hinika at nilagnat ng bonggang bongga dahil sa pagod...
Anyhoo... Ang lahat ng pagod ko ay parang wala lang kasi sobrang sulit ang party! Daming food and games tapos tinupad pa ng monito ko yung nasa wish list kong illusion lens. Nanalo din pala ako sa isa sa mga games. Yung game na yon consists of two teams with five members each. Ang props ay five paper bags na naka-line mejo ilang steps from the two teams. Hindi alam ng two teams ang laman ng paper bags pero pag start na ng game, e isa isang pupunta sa naka-line na paper bags ang member ng team. Pagbukas nya ng paper bag, kailangan nyang kainin ang ano mang nasa loob ng paper bag, dapat ubos ito before the next member can go sa next bag. Fear Factor daw ang tawag sa game na ito. Laking pasasalamat ko na lang at napunta sa kin eh hilaw na ampalaya na mga 5.5 inches ang haba, kumakain ako ng ampalaya kaya naubos ko sya ng parang bubble gum lang ang nginangata ko. Sobrang tuwa ako kasi nakuha ko yung pinaka-bet kong prize--oil burner na color yellow. Start pa lang ng programme namin yung yellow oil burner na talaga ang gustong gusto kong makuha. Tuloy naniniwala na ko na kung ano talaga yung gustuhin mo e makukuha mo. May mga iba pang games like the famous Pinoy Henyo, Banana Eating, Charades at ang Trip to Jerusalem. May inuman din pero isang baso lang naman ng Red Horse ang nainom ko... Ayoko na kasi tumawag ng uwak at masasayang lang ang gabi ng lahat.
Kahit na walang tulugan ang party na ito (derechong umuwi ako 5:30am), eh parang hindi naman ako napagod. Masaya din kasi kasama yung mga friends ko from work, kumbaga lahat kami eh click :) Bakit kasi minsan lang sa isang taon ang mga holidays tulad nito?? Di ba pwedeng araw-araw na lang para araw-araw din tayong masaya na parang walang problema... Anyway, sa inyong mga kaibigan ko na nagdiriwang ng Pasko, Maligayang Pasko!
1 Thoughts:
Huwag naman araw-araw. Magastos tapos tataba ako ng bonggang bongga! Wehehe!
Post a Comment