Thursday, December 3, 2009

What I Want to See in My Christmas Stockings

Haba ng title eh Christmas Wishlist lang naman ang ibig ko sabihin. Hehe :) Anyway, kahit na wala akong Pasko at hindi naman kami nagigising ng alas-12 ng hatinggabi tuwing a-beinte singko ng Disyembre, eh gusto ko pa rin ipaalam sa mga friendships ko ang gusto ko matanggap ngayong Christmas :D ...kung di naman maibibigay sa Pasko, pwede namang sa Bagong Taon o di kaya sa Birthday ko, na sa isang buwan na magaganap :)
1. Illusion Lens - pwedeng i-attach sa digicam point & shoot o di kaya e sa cameraphone. Bale lens sya na nagke-create ng design sa finished photo. Murang mura lang to, PhP 200 at mabibili sa Hobbes & Landes or Powerbooks or Compex. Sinama ko rin to sa wish list ko sa office pero just in case hindi nakahanap yung monita ko sa office, eh nilagay ko sya dito baka meron akong friends na magmagandang loob at bilhan ako ng sampung ganito... hehehe :-D

2. Shutter Release Remote - remote control ng DSLR to na pwedeng pwedeng gamitin kung gusto mong kunan ang sarili mo using your SLR. Di ka na mahihirapang itapat ang lente sa mukha mo at magkakandapilipit pilipit ang mga kamay mo sa paghawak sa camera... Para na rin maiwasan ang camera shake na madalas mangyari lalo na pag nagna-night photography, how cool is that?! ;) Mabibili ito sa halagang PhP 1,200 sa Canon Shop Mall of Asia. (Pwedeng pwede na paghatian ng YA to... Hehehe)
3. Fat Lens camera - magandang travel camera ito kasi wide angle sya. Magandang ipang-shoot ng landscape. At ang pinakaDaBEST eh murang mura lang ang camera na ito...
PhP 1,600 lang at mabibili ito sa OhShoot Toy Camera Shop sa QC... ang layo no? Pero pwede namang umorder na lang sa order@ohshoot.us... hehe :)4. 18-200 Canon lens - alam nyo kung bakit gusto ko nito. Hehe :-) Magagamit ko to sa aking photography chuchu... Kaso alam ko namang hanggang wish lang ito (wish ko lang jingle plays in the background) dahil mas mahal pa ang halaga nito sa SLR ko... PhP 38,000 at mabibili sa Canon Shop Mall of Asia :-D
5. 18-135 Canon lens - ang reason kung bat gusto ko nito e katulad din ng reason ko sa #4 :-) merong second hand nito sa sulit.com.ph at from PhP 18,000 eh PhP 9,500 na lang sya ;)

6. Canon 580 EX II external flash - kailangan ko to sa shooting on low light. Eto yung latest ng Canon na flash na mabilis lang magrecharge kaya sa parties, weddings or events na low light eh shoot lang ng shoot, di na kailangan maghintay pa ng ilang seconds. Di ko lang alam magkano pero meron din nito sa Canon Shop sa Mall of Asia ;)
7. Any book on Lighting or Night Photography na mabibili sa National Bookstore. Price ranges from PhP 1,200-3,000 ;-) (pwedeng pwede na rin paghatian ng YA at Marnix to hehe) at ang pinakahuli sa listahan ko ay ang...
8. 1 year subscription sa Digital Photographer Philippines. Para naman updated ako palagi ng mga tips and tricks and latest news about the world of Photography. Di ko lang alam how much yung subscription pero PhP 295.00 kasi ang isang mag, at pag nagsubscribe daw eh 30% off the newsstand price :)
So mga friends, alam nyo na kung anong gusto ko matanggap ngayong Christmas or New Year or Birthday... Kaya lang malamang mamumura nyo ko sa mahal nung ibang items :-D

4 Thoughts:

admin said...

ang mahal naman! greeting card nalang mweheheh :P

Avee said...

@Achie: hehehe... kahit yung illusion lens na lang... ahahaha

Rouselle said...

I can't afford this! Meron na kong responsibilidad ngayon! Sa tuta ko! Wehehe.

Avee said...

@Angel: mura lang yung illusion lens bes!!! mwehehehehe