Monday, December 21, 2009

Mistress of Ceremony: My Baptism of Fire

Our Sales and Business Development Group held their annual Sales Awards Night at the Makati Sports Complex and one of their MCs is... yours truly. It was my baptism of fire since this was my first ever hosting stint. Anong alam ko sa paghohost eh may stage fright nga ako... Kamusta naman...
Thursday sinabi sa kin ang aking magiging trabaho sa event at pinakiusapan lang ako ng HR... Hindi ako makatanggi kasi syempre humihingi din ako sa kanila ng favor. So bale no, kami pa pala ang gagawa ng programme, bakit hindi ang SBD ang gumawa eh event nila yon?! So ang programme, script at mechanics ng gagawing games ay kami ang gagawa... Hindi ko muna inisip yung mga yon kasi baka mastress ako. So, I let the day pass na hindi iniisip kung anong gagawin para sa event.
Friday, matapos kong gawin ang reports ko eh naghagilap na ko sa internet ng mga scripts ng MCs. Ang dami ko ng nakita pero wala namang akma sa event na ihohost namin. So, mejo kinakabog na ko at tinawagan ko na ang aking magiging co-host from HR. Pagtanong ko sa kanya kung may binigay na bang details ang SBD sumagot sya ng "wala pa". Parang ako "ANOOO?! This is their event, they should be the one in charge of this!" umiinit ang ulo ko... So mejo kumalma muna ako at hinayaang icontact ng aking co-host ang Asst. Manager sa SBD. Bale, nagbigay na sya ng mga names ng winners---yun pa lang. Kaya, after lunch, umakyat na kami sa SBD department at nagmeeting with the AM. Dun namin napagusapan ang mga magiging kaganapan sa Lunes. So, after ng aming mini meeting e nagtry ako gumawa ng script at sinend sa aking co-host. Inedit edit na lang ni co-host ang aming magiging script at yun na ang gagamitin namin sa Monday. Kaso... kulang pa pala yung list ng mga awardees so, hanging kami... Since it's a weekend, eh hindi ko muna inisip yung mga dapat pa naming gawin sa Monday... ayoko maspoil ang aking weekend no!
Monday na... The big day. Nagka-cram na kami ng aking co-host kasi ilang oras na lang eh Awards Night na. Hindi pa pala final ang aming script dahil may mga nabago... Maryosep talaga! kinakabog na ko! Nagpray na lang talaga ko ng bonggang bongga kasi wala namang ibang makakatulong sakin... So bale no, naayos ang script, napractice na namin ang mga sasabihin namin pati ang facial expressions... So game na! Super kinakabog na naman ako so before kami umakyat sa entablado (naks) e nagpray muna ulit ako... Ayun na! So, yung kakabog kabog kong heart, surprisingly, eh kumalma. The night went on smoothly although mejo may mga sablay sablay on the side (di naman kami perfect), eh natuwa naman kahit papaano ang mga bossings (bale, ang mga andun lang naman eh yung 2 sr. mgrs ng Marketing, Treasurer, VP at mga iba pang matataas na tao ng Medicard. Wow!). Ang pinakamasarap pa don eh yung bigyan ka ng positive comments ng mga guests. Teehee!
Sa totoo lang, nag-enjoy ako sa paghohost pero hindi ko inamin sa co-host ko ito kasi baka ako na naman ang isama nya sa paghohost sa mga future events. Masaya, masaya... Tapos daming photo opp. Hehehe... Eto, nagpost ako ng ilan... Proud din ako sa make-up ko nyan kasi ako lang sa sarili ko nag-make up nyan :)"and our last winner for the MPI Elite Circle goes to... Mr. Gorgonio Lopez III!" :-D
Smile lang while waiting for the winners to come up the stage...Okeeiii... Acknowledging the VIPs

Sunday, December 20, 2009

A visit to my artist

Joseph "Joe" Saliendra - Multi-awarded tattoo artist, Harley Davidson enthusiast, a cool dad and husband... Those are just the adjectives I can give my Tat Artist Joe. Siya na ata ang pinaka-cool na taong nakilala ko. Ikaw na ang maging open book sa kliyente mo na tatlong beses mo pa lang nakikita... Astig di ba?! Ganun si Joe... Siguro para wag na ring kabahan yung mga clients nya pag may session, kaya dinadaldal nya. Hehe... Pero sa tatlong beses naming nagkita, etong last visit ko (Dec. 19, 2009) ang talagang naka-ututang dila ko sya ng husto. Sa first two visits ko kasi, kasama ko yung kumpare nya na friend ko so syempre habang may session kami, ang kausap nya e yung kumpare nya. Etong last visit ko, ako lang at sya. So nalaman ko na yung daughter pala nya eh 20 years old na at may boyfriend na, tapos yung bunso nya eh high school na. Pero hindi mababakas sa face ni Joe na may anak na syang ganon katanda. Happy person kasi si Joe... Siguro may mga problema din sya paminsan minsan pero he smiles a lot. Naisip ko, talagang if you always smile, eh matagal kang tatanda. Nakwento nya sa kin ang konting family life nya, ang pagkamit nya ng minimithi nyang Harley, at ultimo mga cute experiences nya with his dog. Etong si Joe, from a small shop sa Alabang, may pwesto na sa BF at wag ka, hi-tech ang shop nito--yoko na idescribe, visit nyo na lang sya. Hehe... AT, sa layo ng narating nya as Tattoo Artist, eh talaga namang bow ako... But, Joe is a very humble person. Walang ka-ere ere sa katawan... Kahit na yung mga kliyente nya na mismo ang nagsasabi ng mga katagang "if it's from Joe's, then it must be good", he'll just smile. At sa gitna ng tunog ng kanyang tat machine, Baba Boom ng Eat Bulaga at boses nya mula sa pagkukwento, eh natapos ang isa na namang obra (naks, obra talaga) na ang naging canvas eh ang aking beywang... (ayan ang pic, fresh ink by Joe Saliendra. Kainis lang kasi wala ako pic with the Master)
Note: Photo of Joe Saliendra was snatched from a flickr account via google. Whoever owns it, pahiram ng pic ni Joe ha.

Wednesday, December 16, 2009

Christmas Party... in Malabon (late post)

Okeii, better late than never... Nawalan kami ng internet for ilang days kaya naman ang mga dapat kong iblog e hindi ko naiblog agad... Anyhow...

So bakit sa lahat ng Christmas parties eh ito ang napili kong iblog? Kase, first time kong makapagChristmas Party sa very far Malabon... at first time kong makapunta sa Malabon. Grabe ganun pala ka-far yon... Super! Parang nagmistulang si Donkey ako ng Shrek habang nagbabyahe dahil walang patumangga akong nagtatanong ng "are we there yet?" sa bawat stop ng bus. Kaya nga ata ako hinika at nilagnat ng bonggang bongga dahil sa pagod...

Anyhoo... Ang lahat ng pagod ko ay parang wala lang kasi sobrang sulit ang party! Daming food and games tapos tinupad pa ng monito ko yung nasa wish list kong illusion lens. Nanalo din pala ako sa isa sa mga games. Yung game na yon consists of two teams with five members each. Ang props ay five paper bags na naka-line mejo ilang steps from the two teams. Hindi alam ng two teams ang laman ng paper bags pero pag start na ng game, e isa isang pupunta sa naka-line na paper bags ang member ng team. Pagbukas nya ng paper bag, kailangan nyang kainin ang ano mang nasa loob ng paper bag, dapat ubos ito before the next member can go sa next bag. Fear Factor daw ang tawag sa game na ito. Laking pasasalamat ko na lang at napunta sa kin eh hilaw na ampalaya na mga 5.5 inches ang haba, kumakain ako ng ampalaya kaya naubos ko sya ng parang bubble gum lang ang nginangata ko. Sobrang tuwa ako kasi nakuha ko yung pinaka-bet kong prize--oil burner na color yellow. Start pa lang ng programme namin yung yellow oil burner na talaga ang gustong gusto kong makuha. Tuloy naniniwala na ko na kung ano talaga yung gustuhin mo e makukuha mo. May mga iba pang games like the famous Pinoy Henyo, Banana Eating, Charades at ang Trip to Jerusalem. May inuman din pero isang baso lang naman ng Red Horse ang nainom ko... Ayoko na kasi tumawag ng uwak at masasayang lang ang gabi ng lahat.

Kahit na walang tulugan ang party na ito (derechong umuwi ako 5:30am), eh parang hindi naman ako napagod. Masaya din kasi kasama yung mga friends ko from work, kumbaga lahat kami eh click :) Bakit kasi minsan lang sa isang taon ang mga holidays tulad nito?? Di ba pwedeng araw-araw na lang para araw-araw din tayong masaya na parang walang problema... Anyway, sa inyong mga kaibigan ko na nagdiriwang ng Pasko, Maligayang Pasko!

Monday, December 7, 2009

Emoterang Frog...

5:30PM... Out na ko sa trabaho. Nag-time out sa Kronos at naghintay sa elevator. Last break pala ng isa kong agent so kasabay ko sya pababa. Makulit itong agent na to, pero mabait... at dahil close kami, nakukuha nyang busga-busgahin at asar asarin ako. Never naman ako na-offend sa mga pang-aasar nya ng biglang "Ay single... single..." kala ko naman kumakanta sya ng song na di ko alam, nung tiningnan ko sya at tinanong kung anong sinasabi nya napabulalas na naman sya ng "single... single... walang sundo..." Di naman ako napipikon sa mga ganitong tuksuhan eh pero ewan ko ba nung time na to bigla kong nasabi sa kanya "loko ka ah, asarin mo na ko sa lahat wag lang yan" in fairness, pabiro ko naman tong sinabi sa kanya with playful suntok sa braso nya. After non nagtawanan pa kami paglabas ng elevator... Pero nung naghiwalay na kami at mag-isa na lang ako... Paglabas ko ng building bigla na lang akong nalungkot... Tama nga naman sya, wala akong sundo at doon bigla kong namiss ang may sumusundo sa kin... Namimiss ko na rin ang may sinasabihan ng "I Miss You" at "I Love You"... Pati na rin ang pagtetext para lang itanong ang mga sumusunod: "How's your day?", "Kumain ka na ba" o di kaya naman "House ka na ba? Tired?"... Namimiss ko na rin ang may nagtatanong sa kin ng whereabouts ko at kung nakauwi na ba ko o di kaya naman ang weekly visits sa bahay o kaya naman ang pamamasyal sa mall at kung san san... Syempre pa, lalo akong na-Emo ng madaanan ko ang Salcedo Park na punong puno ng Christmas Lights at lovers na nagjo-jogging o nagpapahinga sa mga benches at naghaharutan o nagkukwentuhan... Dagdagan pa ng malamig na simoy na dumadampi sa mga pisngi ko't braso. Napapa-"haaayyy" na lang ako eh habang nasa background ko ang mga nagsasayawang mga ilaw sa Ayala Triangle... Muntik na talaga tumulo ang luha ko non pero naisip ko "I'm sure there's someone out there for me... better than any guy na naging parte ng buhay ko" sabay kanta ng "I gotta feeling... That tonight's gonna be a good night" ...Ok na ulit ako :)

Writer's Block

...meron ako nito ngayon kahit hindi naman ako writer. Hindi ko kasi ma-collect ang thoughts ko samantalang ang dami kong topics sa isipan. Marami ring mga katanungang kumikiliti ng aking brain cells... ang kaso, hindi ko alam paano ko isusulat o uumpisahang ilathala ang tungkol sa mga topics kasi hanggang intro lang yung nasa isip ko tapos di ko na alam ano ilalagay ko sa body ng topic na yon...
Eto ang mga topics na nasa isip ko:
1.) Babies/Sanggol/Infant
2.) Bands in general
3.) Black Saturday (hango sa tunay na buhay)
4.) BS-ing, at ang pinakahuli
5.) New Year's Resolution
Haaayyy... Eto na nga lang blog ko ang nagbibigay aliw sa kin, eh di ko pa ma-maximize... kamusta naman?! *frustration ahead*

Saturday, December 5, 2009

Ayoko na... Pwede ba...

Eto ako right now...
Pero ayoko na nito eh... Pwede bang ganito naman, kahit ilang segundo lang... Pleeeaaassseee...

Friday, December 4, 2009

Happy Birthday, Bestie! (repost from Angel's Coffee Cup)

42 days from now, I'm gonna celebrate my 31st (that's right 31st) birthday... Since my 28th birthday, my bestfriend Angel didn't fail to compose a birthday write-up for me. It has been her tradition since then, and to remind her that she'll soon compose a write-up for me again, I'm reposting this entry. Hehe... ;)
Happy birthday, my sisterfriend! Here's to thirty beautiful years of life!Yesterday when I read your email about how you cried at the thought of becoming a thirty-year-old, I couldn't help but smile. Because what's there to cry about? Turning thirty is a milestone!It's kind of odd, because I've always secretly thought that real life starts once you hit your thirties. When I was little, 30 sounded so big. So mature. So adult. I couldn't wait to turn thirty and wear those nice heels and pretty pearls and go to the office and talk on the phone, and then go home at the end of the day to the hubby and the kids. I thought it was as simple as that.But you grow up and discover that life is much, much bigger than your six-year-old daydreams. Despite this nasty shocker, you still breeze through the happy, awkward, and sometimes painful stage of high school, and then fumble, learn and grow some more in college.And then you reach your twenties. In your twenties, you explore, and learn, and try, and fail, and try again. You deal with the consequences of your actions, or you do not. You run away or you own up to them. You break, you cry, you bleed, you hurt, you heal, and you wish you can go back to being a child again. Before you know it, you're pushing thirty. And then suddenly you begin wondering how you got here so fast. Consciously or unconsciously, you start to get everything sorted out and finally figure out what you want. For some, it happens sooner. For others, much, much later. Or not at all. Aren't you glad that you're on the right track, bestie? Your best years are still ahead of you! You are armed with the life in your years, and it can only get better. Believe that it will. :) I love you, bestie! Thank you for being the wonderful friend that you are. Thank you for being my other sister. Thank you for the love, the trust, the understanding, the patience, the support. Thank you for everything that makes our crazy and happy friendship work. I can't wait to spend the next decades of our crazy and happy lives together! Happy, happy birthday! :)

Thursday, December 3, 2009

What I Want to See in My Christmas Stockings

Haba ng title eh Christmas Wishlist lang naman ang ibig ko sabihin. Hehe :) Anyway, kahit na wala akong Pasko at hindi naman kami nagigising ng alas-12 ng hatinggabi tuwing a-beinte singko ng Disyembre, eh gusto ko pa rin ipaalam sa mga friendships ko ang gusto ko matanggap ngayong Christmas :D ...kung di naman maibibigay sa Pasko, pwede namang sa Bagong Taon o di kaya sa Birthday ko, na sa isang buwan na magaganap :)
1. Illusion Lens - pwedeng i-attach sa digicam point & shoot o di kaya e sa cameraphone. Bale lens sya na nagke-create ng design sa finished photo. Murang mura lang to, PhP 200 at mabibili sa Hobbes & Landes or Powerbooks or Compex. Sinama ko rin to sa wish list ko sa office pero just in case hindi nakahanap yung monita ko sa office, eh nilagay ko sya dito baka meron akong friends na magmagandang loob at bilhan ako ng sampung ganito... hehehe :-D

2. Shutter Release Remote - remote control ng DSLR to na pwedeng pwedeng gamitin kung gusto mong kunan ang sarili mo using your SLR. Di ka na mahihirapang itapat ang lente sa mukha mo at magkakandapilipit pilipit ang mga kamay mo sa paghawak sa camera... Para na rin maiwasan ang camera shake na madalas mangyari lalo na pag nagna-night photography, how cool is that?! ;) Mabibili ito sa halagang PhP 1,200 sa Canon Shop Mall of Asia. (Pwedeng pwede na paghatian ng YA to... Hehehe)
3. Fat Lens camera - magandang travel camera ito kasi wide angle sya. Magandang ipang-shoot ng landscape. At ang pinakaDaBEST eh murang mura lang ang camera na ito...
PhP 1,600 lang at mabibili ito sa OhShoot Toy Camera Shop sa QC... ang layo no? Pero pwede namang umorder na lang sa order@ohshoot.us... hehe :)4. 18-200 Canon lens - alam nyo kung bakit gusto ko nito. Hehe :-) Magagamit ko to sa aking photography chuchu... Kaso alam ko namang hanggang wish lang ito (wish ko lang jingle plays in the background) dahil mas mahal pa ang halaga nito sa SLR ko... PhP 38,000 at mabibili sa Canon Shop Mall of Asia :-D
5. 18-135 Canon lens - ang reason kung bat gusto ko nito e katulad din ng reason ko sa #4 :-) merong second hand nito sa sulit.com.ph at from PhP 18,000 eh PhP 9,500 na lang sya ;)

6. Canon 580 EX II external flash - kailangan ko to sa shooting on low light. Eto yung latest ng Canon na flash na mabilis lang magrecharge kaya sa parties, weddings or events na low light eh shoot lang ng shoot, di na kailangan maghintay pa ng ilang seconds. Di ko lang alam magkano pero meron din nito sa Canon Shop sa Mall of Asia ;)
7. Any book on Lighting or Night Photography na mabibili sa National Bookstore. Price ranges from PhP 1,200-3,000 ;-) (pwedeng pwede na rin paghatian ng YA at Marnix to hehe) at ang pinakahuli sa listahan ko ay ang...
8. 1 year subscription sa Digital Photographer Philippines. Para naman updated ako palagi ng mga tips and tricks and latest news about the world of Photography. Di ko lang alam how much yung subscription pero PhP 295.00 kasi ang isang mag, at pag nagsubscribe daw eh 30% off the newsstand price :)
So mga friends, alam nyo na kung anong gusto ko matanggap ngayong Christmas or New Year or Birthday... Kaya lang malamang mamumura nyo ko sa mahal nung ibang items :-D

Wednesday, December 2, 2009

I gotta feeling!

This song really makes my day... No fail yan! Promise... Maybe because it gives me a positive aura kahit na Über nega na ko. Sometimes, if I feel so down and low or frustrated and angry, I'll just play this song and voila! Ok na ulit... Psychological siguro but then it doesn't matter as long as this song makes me feel good even on my most frustrating day.

Hay, so why am I writing this? I'm just so so frustrated right now... as in at this very moment. I just feel that hindi ako pwede magbakasyon... ganon... Dahil pag nagbakasyon ako, windang ako when I get back to work. I don't know why some people here in the office are just sooo damn incompetent, no initiative, no sense of responsibility, and don't know how to respond correctly to situations. I thought ok na yung team eh, I thought we already placed the right people on the correct posts, I was wrong... at yung iba eh closey closey ko pa! Ano ba naman itooohhh!!! So dapat ba eh si Miss/Ma'am Avee eh laging present at laging nakabantay sa kanila?! Kamustahin naman natin yon mga kaibigan... Eto pa, ginawa ko na lahat para maayos ang schedule, para maayos lahat! Wala pa rin?! At ang pinakamalaking catch: Mas marunong pa sila sa kin minsan kung mag-suggest e ganun ganun na lang. Fowtah! kanta na nga lang ako--I gotta feeling, that tonight's gonna be a good night...

Tuesday, December 1, 2009

Para sa unang araw ng huling buwan ng taon

Lumabas ako ng bahay para pakainin si Sacci (my ever lambing pet dog). Habang nilalagay yung foodie nya sa kanyang dish, humangin ng mejo malakas at f na f ko ang lamig sa braso ko... Naisip ko, simoy pasko na... tapos new year, tapos birthday ko na. Madadagdagan na naman ako ng isang taon at huling numero na sa kalendaryo ang edad ko. Tanong ko, what's in store for me in 2010... Parang wala naman, kung meron man, I just hope para sa ikagaganda ng buhay ko to. Marami akong plans and by 2010 sana matapos na sya para masaya ang lahat--ako, parents ko and siblings ko. But of course, hindi pwedeng hindi ako magkaroon ng time for my passion--photography kaya most probably I'll enrol sa advance photography class para naman madagdagan na ang kaalaman ko. Hopefully too, I'll be able to travel kahit dito lang sa Luzon to take photos and start my photoblog. Yey! :)

*pasensya na sa title ng entry ko na hindi masyado pinagisipan :)

My Pimped Blog

Finally! My blog has been pimped by of course my bestfriend... Bestie's an official bum now (hehe) and maybe wanted to be productive for the day so she offered me to edit my blog layout. I so love it! The I Love Photography logo is just so cute! *hugs bestie* And since I have a newly tweaked blog now, maybe I'll be more encouraged to write entries... hopefully *wink*

Thanks muchie for this nice layout, Ainsh! Mwah! *hugs*