Thursday, June 2, 2011

I'm a Big Fan!

So, normal lang ang araw na ito I guess kasi busy-busyhan ever... Buti na lang may breaktime. I asked my friend Margaret to accompany me sa Mini Stop near the office to buy some snacks coz I'm getting hungry na and craving for junk food... Eto na, nasalubong namin yung isa kong agent...
Agent: Ma'am si Derek Ramsay anjan sa Starbucks.
Me: Weh? Di nga?!
Agent: Oo nga ma'am, ayun yung Audi nya o...
Syempre, nilingon namin ni Meg at nagdecide kaming mag-Starbucks... Sabi ko pa...
Me: pakbet Meg, wala na kong pera pero crush ko si Derek Ramsay... deadma na, mag-Starbucks tayo!
Ayan na kinikilig na ko grabe... Pagpasok namin ng Starbucks hinanap namin si Derek at di ko sya makita. Pagpunta namin sa counter bumubulong si Meg na asa likod na namin si Derek. Nilingon ko lang sya ng mga five seconds at nung nabili ko na ang Coffee Brownie, we decided to just go back sa office since di ko naman dala yung camera phone ko, ganun din si Meg. As in wala kaming kadala dalang camera... LOSER lang! Tsaka, Derek Ramsay was busy... I think ang kausap nya e business partner nya. Nakakahiya magpa-picture di ba kung busy yung tao, and, I can still remember what my friend Achie told us when we had our vacay in Boracay "bawal magpapicture sa artista"... And di naman talaga ako nagpapapicture sa artista eh... Pero eto... Iba to! Si Derek Ramsay to!!!  Tapos eto pa, nung palabas na kami eh sumasalubong sa kin ang aking favorite boss na si Sir Luis (one of MEDICard's owners). Natameme ako. Jackpot lang, Derek and Sir Luis. Hehehe... (wala naman sigurong taga office ang makakabasa nito... sana hehe).  Ayun, pag-akyat namin ni Meg, we told our receptionist (Girlie) na asa baba si Derek Ramsay, at ipinamalita nya na sa lahat ng babae at bading sa MEDICard... For a sec, nawala lahat ng babae at bakla sa MEDICard at bumaba... para MAGPAPICTURE kay Derek!!! Pakbet, inggit na inggit ako kasi di ako nakapagpapicture... Di ako mapakali, so sinabi ng mabait kong boss na "sige na Avee, go to Starbucks na ulit. And para makabalik ka, bili mo ko ng Choco Macadamia Cookie. Sige ka you will regret this day na chance mo na magpapicture sa crush mo tapos di mo ginawa".  Ayun, si Girlie na meron ng iniinom from Starbucks eh sinamahan ako para makapagpapicture. Lumalabas na ng Starbucks si Derek... Paalis na sya. OH NO. Talagang sabi ko kay Girlie, tumakbo at harangan ang mga tao. May narinig akong isang nagpapicture sabi "Hi Derek, last na, please"... So gumuguho na ang mundo ko talaga kasi last na pic na daw yon... Eto na... Sinigaw ko ang pangalan ni Derek...
Me: Derek! Derek!
At lumingon si Derek!!!! Lumingon sya!!!! Hindi sya suplado! Mabait sya! Sabay SMILE! :)
Derek: Hi!
Me: I'm sorry, I'm a big fan, can we have a picture together?
Derek: It's ok. Sure! (with his million dollar smile na makalaglag panty sabay akbay)
Ayun!!! Pinicturean kami ni Girlie!!!!!!!! I'm just sooo happy!!! Edi nag-thank you na ko tapos... Derek shook my hand and said "Have a nice day!" and I said "Thank you, you too!" At nangingilabot ako hanggang ngayon na malapit na ko matulog...

4 Thoughts:

Rouselle said...

Kinikilig ako kahit tinitingnan ko lang ang picture nyo! Siyeeeeeet!

Krishna - Riyadh said...

bwahahhaa bwahaha tawa ako ng tawa ditey!

Avee said...

@Bestie: HAHAHA! Eh kasi naman beeeessssss kakilig kilig!

@Baks: Hehehehehe. NAMAN!!!

Anonymous said...

wahahhahahahahaha - ashnur