Thursday, May 12, 2011

Pa-rant lang no...

May 12, 2011. Thursday. Sweldo. Ang saya-saya! Even though toxic ang araw na ito sa work, d.e.a.d.m.a. Kasi sweldo... But NO!
http://matthewjamestaylor.com/art/angry-man
Kasi ganito yon... Nagpa-appointment na ako sa suki kong si Mang David's para magpa-foot spa, pedicure at threading. Pagdating ko sa salon... Ayun si Ate, may minamanicure. Hintayin ko na lang daw kasi matatapos na... Aba, I waited for 45 minutes at hindi pa tapos ang customer ni Ate. Yun pala, ipepedicure pa sya. Dapat maghihintay pa ko for another 15 minutes, kaso, after 2 minutes, tumayo na ako from the waiting area at pumunta sa branch head at sinabing "Ate, babalik na lang ako bukas. Pa-appointment ako mga 6pm. Gutom na kasi ako eh". Naka-smile pa ko non at humingi pa ng dispensa si suking manicurista sa akin... Pero ang totoo, asar na asar na asar na asar na ako... So yon, before I went to the salon pala, I had my photo taken (at Fujifilm) for my IELTS exam requirements at binalikan ko na lang sya from David's.  Eto na, sabi ni Ate'ng taga-Fuji after 30 minutes tapos na yung pic ko, aba eh 45 minutes na nakakalipas di pa napiprint yung picture ko! So ayun, sinabi ko babalikan ko na lang after dinner... Buti na lang gwapo yung photographer hehe :-D Ayun, so, I went to French Baker to have a quick bite. Dapat sa Gotti's eh, kaso ayoko na umakyat ng isa pang floor kasi same floor lang ang Fujifilm and French Baker, ayoko na lumayo pa... Eto na... Nagsisisi ako ng lubusan dahil sa hindi pag-kain sa Gotti's. Hindi masarap ang Lasagna sa French Baker!!! What happened to their Lasagna?! Hindi naman dati ganun yon... Masarap yun dati eh... Pero ngayon, ang lamig tapos ang asim! Hay! Kung hindi lang ako gutom, at kung wala lang taong nagugutom, hindi ko na inubos yung Lasagna na yon! C.h.a.k.a.! At wag ka (with matching wagayway ng pointer finger from side to side), to cap the night, pagkapasok na pagkapasok ko sa pinto ng house, yung tito ko na cousin ni mama na ngayon lang dumalaw sa amin at ngayon lang ulit ako nakita after more than 5 years eh sinalubong ako ng palong palo'ng pagbati na "kamusta na ang aking pamangki'ng matandang dalaga?!" GRRRRRRRRR....!!!

0 Thoughts: