http://assets.sbnation.com/assets/416957/i_m_back.png
So, why the title? Eh kasi after 6 long months, mejo na-engganyo naman ako magbalik sa aking pook sapot, palibhasa kasi bum ako ngayon at walang magawa hehe. A lot of things happened for the past 6 months of my life... Happy, sad, good and bad. Pero syempre, di na ko para iblog pa yung sad and bad. Magblog ako ulet para sakto for the beginning of the holidays. Baket? Wala lang, marami kasing happy moments pag holidays di ba? *wink*Ano ba ngayon, it's the last day of October at feeling ko timely lang yung pagsusulat ko ulet (kahit walaaa talaga kong talent dito). Actually, I was planning to create another blog... Pero photoblog ko yun kasi sabi ko sa bestfriend kong si Angel, "bes, wala kong talent sa pagsusulat so daanin na lang sa pictures". Eh sabi naman nya na dapat may mga konting words din... So naisip ko, iba yung photblog ko, iba din tong journal ko.
Anyhow, so kamusta na ba ang blogsperyo...? Namiss ko din yung mga paminsan minsang nagcocomment at pabisibisita dito sa bahay ko ha. Syempre, natotouch kasi kahit na wala naman akong bagong entry, bumibisita pa rin sila. Happy ako pag may napapadaan :-)
So, sa mga buwang lumipas, bakit ngayon ko napili magsulat ulet? Kasi ngayong month na to nangyari ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko... Ang magpasurgery sa bone ng aking foot. Kablog blog talaga ang experience na yun no! Akalain mo, after ilang years na hindi naoospital eh kabog naman ang dahilan ng pagkaka-hospitalize ko ngayon. I have this Hallux Valgus in lay man's term Bunion. Ano ba itong deformity na ito? San ba ito nakukuha? Well, some say it's hereditary, some naman claim it's due to wearing ill-fitting shoes. Actually, pareho eh. Kasi once a child was detected with this deformity, dapat di na sya pinapasuot ng ill-fitting shoes at hanggang paglaki nya, dapat ang shoes nya eh hindi yung pointed, and heels are not allowed too. Plus, this deformity is common sa girls lang coz generally, guys don't wear really pointed shoes da va?
So, ngayon, officially bum ako kasi naka-medical leave ako. Doctor said it would take 45 days for me to walk without the crutches but with a cane, 3 months for me to walk without the cane but only flat shoes are allowed, and 6 months to a year for me to resume to my normal activities (e.g. brisk walking after work). Ngayon din, ako'y isang princesa sa bahay na minsan di-hatid ng food sa room at syempre exempted sa household chores hehe... After two weeks from the day of the surgery, my suture was removed and mejo maganda ganda na ang foot ko. Give me a couple of weeks and I can wear shoes na daw (hopefully!), at gusto ko na ring makapaglakad lakad ng normal at makaligo ng hindi nakaupo. *kudos to the doctors, nurses and staff of Asian Hospital and Medical Center for the superb treatment! ...naks
2 Thoughts:
Nanlambot naman ako sa picture ng wala ng suture! Parang ang hapdi! Pooookshet!
@Angel: Hehe. Picture palang yan bes eh pano kung nakikita mo talaga sya in person :P
Post a Comment