During our lunch break, I checked my phone and found out that Josh called, thrice na. So yun, I texted him and syempre sabi ko nagtetrain ako. Wala pang 1 minute after the message was sent, nagriring na yung cell ko. It was Josh. He told me that he's in QC and nagsimba and that he's currently in a bookstore na may mga old books. I forgot the name of the bookstore but it's in Morato daw. Ayun, sabay sabi ba naman "iwanan mo na yang mga yan, pag-examin mo na tapos layasan mo na. May Amici nga pala dito". Siraulo talaga to si Josh... eh I feel like eating Italian that time and ayoko pa umuwi so sabi ko "we're done na by 5 PM, gusto mo puntahan kita jan?" Being the gentleman that he is he said "wag na, sunduin na lang kita jan sa office". So, sabi ko "tapos Amici tayo?". So there... I hang up na and continued with the training. Around 5, asa baba na ng building namin si Josh, ayun nagkwento na ng nagkwento about his weekend sa QC and how he super enjoyed the bookstore he was telling me about kanina.
Before going to Amici, pinasyal nya muna ako sa favorite Japanese restaurant nyang Izakaya Kikufuji. And he's right, mga Japanese ang kumakain don--siguro mga nakatira na dito. [TRIVIA: Izakaya = drinking establishment, cheap place for after-work drinking] The place really looks like the traditional izakaya na napapanood ko lang sa mga Japanese movies--tatami mats, low tables, the likes... Tapos, Little Japan (or Little Tokyo ata) pala yung tawag dun sa place na yon kasi sa may bandang likod ng resto ay magkakadikit na resto din and according to Josh, they hold Japanese Festival there annually. Btw, the place is in Pasong Tamo near Makati Cinema Square.
These are pictures I got from wikipedia and photobucket.com. Yung lantern says Izakaya.
Syempre after nya ko ipasyal sa Little Japan, we went straight to Amici. Na-disappoint ata si Josh kasi di na daw yun yung old owner kasi dami na nagbago dun sa resto at inisa isa nya sa kin ang mga changes. He also told me how super nanghihinayang sya kasi commercialized na ang Amici ngayon unlike before. Oh well, ok lang naman coz nagenjoy naman kami sa food. I ordered Spaghetti Parmegiana, he ordered Fettuccini (I think), instead of ordering Coke, he ordered a box of Orange juice (na ipinagdadamot nya daw sa office.. hehe) and for desert, we had Gelato. Syempre Strawberry sa kin tapos Chocolate sa kanya with choco chips. Ang sssaaarrrappp! Promise. Super busog ako and para mejo malaglag naman ang kinain namin, inikot nya ko sa Makati Cinema Square at tinuro nya sa kin kung san mabibili ang alin. Pati yung parlor kung san sya nagpapapedicure. And talk about sweetness, binilhan nya ko ng 3 DVDs (City of God, Vantage Point and Inside Man) e hindi naman ako nagpapabili. At syempre, tawa lang ako ng tawa the whole time na magkasama kami... =)
0 Thoughts:
Post a Comment