|
From top, L-R: My casuals, Mom's goodies, my dresses :) |
Okeeeiii... So, after staying sa house for a month and a half, nakalabas din sa wakas!!! And, not just sa labas ng bahay, not even papunta sa church kundi sa mall!!! Hehe. In fairness, wala kaming ride ng mom ko and nag-commute lang going to SM Bicutan. Keribels na coz one trike lang naman from our house. Kaso, may stop over pa sa bank tapos kinakabahan pa ko kasi since over the counter yung transaction, the branch has to verify pa with the branch where I opened the account. Ang nakakainis don was, after waiting for like 30 minutes, sinabi ng teller na kaya daw natagalan kasi less than 20K yung winiwithdraw ko tapos they have to charge me 100 bucks pa. Sana sinabi nya na lang earlier di ba para winithdraw ko na yung lahat ng money! Asar much! Pero, ok lang... Deadma na lang din, basta nakalabas ako ng house at nag-SHOPPING! Oh, and by the way, ngayon lang ulit ako nag-shopping galore after two years of depriving myself no! Ngayon ko lang talaga na-enjoy ang 13th month pay ko :-)
|
My free Tote Bag from Paper Dolls |
|
Although it was really stressful for me, kasi aside from ang bilis maglakad ni mama & ng brother ko, we have to pass by the delivery garage for the elevator, eh sulit din naman. Feeling ko nag-workout ako for 12 hours! Sumakit ang arms at sides ko ha... Sa mga di nakakaalam, nakasaklay po ako ngayon maglakad, so there... Pagdating sa mall proper, my brother has to go to Onesimus to buy barong. Nagpaiwan na ko sa department store para maningin ningin... First stop: Shoes Section! Deadma ng left foot ko ang ipangsusukat ko at deadma ng di ko mailakad basta bibili ako ng shoes! Syempre, matagal ko ng gusto magkaron ng white Chuck Taylor's (mababaw lang ako), so yun yung binili ko plus two pairs of ankle socks to match with it :-) Ininterview pa ko ni kuya na nagaassist then after ko magbayad, I asked where the elevator is kasi ayoko mabulok sa section na yon. Second stop: Ladies' Wear. I texted mom na nagsusukat ako ng dress at talaga namang I bought two dresses! Natawa si mama kasi parang di daw ako mapigilan parang nakawala sa hawla lang. Hahaha... Ayun, nagsukat din si mom and I paid for her dress na lang--gift ko sa kanya :-) After paying, gulat ako coz I got a free tote bag pa kasi more than 2K daw yung napamili ko. At hindi mukhang chipangga lang ang tote ha :-)
|
Our sumptuous meal! |
And since it's already lunch time, san pa ba ako magyayaya kundi sa one of my favorite Italian places here sa Better Living--Gotti's Ristorante! Hay my favorite part of the day ang lumamon (lumamon talaga!). I ordered The Godfather Pizza (pepperoni, ham, onions, green bell pepper & black olives), Chicken Parmigiana with Pasta, and bottomless Iced Tea. Mom ordered Pesce al Funghi (fish & mushroom) with Pasta (you guys should try this one, it's really good!). Ayun, since si mom had to go to ACE Hardware, naiwan ako sa Gotti's for... Dessert! I ordered, my favorite Chocolate & Mint Gelato Cake. HEAVEN amfotah!!! Grabe ang sarrraaappp talaga nitong dessert na to! Hoo! I was waiting pa nga for mom na dumating para ipa-taste sa kanya yung dessert kaya lang pagdating na pagdating nya, kakakain ko lang ng last subo. Hehe...
So yon, after ng paglamon, di pa pala don natatapos ang pagsho-shopping. Napadaan kami sa Jewels, tapos sabi ni mama dun nya binili yung isang blouse nya na nicey. So, pumasok ako at ayun, may nakitang nicey top and a pair of short pants. So kinuha ko na sya, eh may nakita pa kong isang nice na top, kinuha ko rin. Hehehe... Galit lang sa 13th month pay! Tapos habang nagsusukat si mom ng blouse, may nakita akong sandals, deadma na kung matagal ko pa bago maisuot yung dalawa basta bet ko sya so binili ko din. Hehe. Ayun, sumasakit na ng bonggang bongga ang foot ko and feeling ko super swollen na sya... Plus butas na rin yung wallet ko, so umuwi na kami ni mom... Mga napansin ko ngayong araw na to: yung mga kids ay di sanay makakita ng batang nakasaklay kasi tumitingin sila, feeling ata nila pang-matanda ang crutches, bawat stop ko ay di pwedeng hindi tatanungin ng mga ate at kuya kung anong nangyari sa kin, at akala nila naaksidente ako kaya sila nagtatanong what happened. Hay, eto, pagdating sa house, grabe kawawa ang foot ko when I saw it after removing my aircast :-(
0 Thoughts:
Post a Comment