Totoo namang numero lang ang edad eh. Lalo na sa mga nagkaka-edad na tulad ko. Hehe... Sa mga ka-close ko, alam nila ang tunay kong edad... Sa mga acquaintances, officemates at mga hindi masyadong ka-close, ang alam nila eh 25 lang ako. Di naman kasi makita sa mukha ko ang tunay kong age... Hehe, yabang lang. Anyhow, minsan pag tinatanong ako sa age ko e talagang nagsisinungaling na ko, alam ng mga kaibigan ko yan. Pero, ano ba talaga kasi ang meron sa age eh number lang naman sya??? Naniniwala ako, na nasa maturity ang tunay na meaning ng "age"... Kasi di ba kung mahigit trenta anyos ka na pero isip bata pa rin, eh parang di mo pa rin feel ang pagkatanda mo. Iba naman yung isip bata sa walang pinagkatandaan, parang mas gugustuhin ko na ang mag-isip bata. Inaamin kong isip bata ako, ikaw ba naman maglaro ng Farmville, Petville, at kung ano ano pang games sa FB... Gusto ko ring bumili ng remote controlled helicopter and I love being with kids. Siguro naman ok lang yon di ba? Hehe... So bale, birthday ko ngayon at mahigit nakalipas na ang kalahating araw eh wala pa gaanong nangyayari sa kin maliban sa pagsamba ko kaninang umaga. Natutuwa naman ako kasi ang pumunta sa church and una kong ginawa sa pagmulat pa lang ng mata ko. Tapos, pagdating namin ni mama from worship service, eh inabot sa kin ni papa ang kanyang munting regalo... Tuwang tuwa ako sa gift ni papa--a pair of gold earrings with brilyantitos na heart-shaped :) Thanks pop! :) Tapos, princesa din ako ngayong araw na ito kaya wala akong ginagawa. Si mama lahat ang nagasikaso ng mga kakainin namin ng aking mga churchmates at ang aming kasambahay ang tumutulong on the side :) syempre, birthday ko eh... Minsan lang naman ako magbirthday di ba? Hehe... So, ilang oras na lang eh dadating na ang mga church friends ko at excited na ko kasi kasama yung minister namin... Excited ako kasi alam kong ipepray over nya ko--yun na siguro ang best gift na matatanggap ko kasi alam ko isa sa ipepray nya for me eh ang magandang future... So bale no, as expected, nagstart ang aking birthday dinner with a prayer from our minister. Tapos kainan na! My birthday menu: Baked Spaghetti, Hawaiian Delight, Lumpiang Shanghai, Coffee Crumble and Super Chocolate Ice Cream for dessert. Natuwa ako and si mama kasi nagustuhan ng mga visitors ang hinanda namin. Picture picture on the side, tapos kwentuhan. Happy din ako kasi yung church friend ko na galing pang Ilocos at gusto ng umuwi eh mejo nagstay pa ng konti. Ayun, matapos ang sandamakmak na tawanan at asaran over our dessert, eh tapos na ang mahalagang araw na ito at natapos sya na may ngiti ako sa king lips :) ...pano ba naman, lahat halos ng bumati sa kin eh isa lang ang wish for me, kung ano yon? Sa kin na lang yon... hehe. At alam kong matatanggap ko na ang wish nila para sa kin... Happy Birthday to me!!! :)
Note: ang birthday ko ay Jan. 14, kaso, due to Blogspot's admin's timezone, eh Jan. 13 ang date nila kahit na 14 na dito sa Pinas... asar!
0 Thoughts:
Post a Comment