Saturday, July 9, 2011

Lens atbp... (late post)

Happy na ko... I got a new lens! Ang lens na matagal ko ng gustong bilhin pero ngayon lang nagka-time pumunta sa Hidalgo.  Super excited ako gamitin ang lente kaya naman kumuha ako agad ng pictures using it.  Visit Shoot Happens to view the photos.
After going to Hidalgo, sa Rhapsody Music Store naman kami pumunta sa Platerias St. Gusto ko lang pumunta dun at makita yung store kasi it brings back memories of my childhood when I still play the piano.  Dito kasi kami bumibili ng pieces ng tita ko.  Aba at andun pa yung store, only it was smaller than the store before. I bought The Way We Were and Canon in D.  Then visited Lyric, it's a musical instrument store tapos nagtanong ako how much ang piano. Aba eh 90kyaw daw yung tinuro ko at ang pinakamura eh 70kyaw kamusta naman.  So lakad uli kami ni Margaret para pumunta sa Ilaya at bumili ng tela para sa uniform ko sa church.  Imagine, from Quiapo to Ilaya nilakad lang namin!!! Kaya naman ang dami na naman naming nilamon sa Dong Bei Dumplings.  Hehehe.  Nung pauwi na, narealize ko na wala na nga pala akong piano pero bumili pa rin ako ng piyesa... HAHA!
At eto ang aking bagong nifty fifty...